Ateneo Law Alumni Homecoming 2009

MANILA, Philippines - Ang Ateneo Law Class of 1985 ang siyang magiging punong-abala sa   isasagawang Alumni Homecoming sa darating na June 26, 2009 na isasagawa sa Dusit Thani Hotel ganap na alas 6:00 ng hapon, kung saan pararangalan ang mga miyembro mula sa Classes 1959,1969 at 1984.

Magsasagawa din ngThanksgiving Mass na pangungunahan ni Fr. Bienvenido Nebres kasama si Fr. Joaquin Bernas at Fr. Isagani Avinante sa hotel’s boardroom bago ang programa. Si Nanette Inventor at ang 8 Track Band ang siyang magpo-provide sa entertainment.

Isang Audi A4 TDI 2009 model mula sa PGA CARS, Inc. ang ipara-raffle. Bahagi ng proceeds ay mapupunta sa Ateneo Law Class ’85 bilang financial at legal aid fund. P1,200 ang halaga ng dinner ticket habang P1,000 ang para sa raffle ticket na mabibili sa reception desk sa naturang araw. Para sa iba pang impor­masyon tumawag kay Karen sa 3743561, Atty. Cecille Burayag, 09188156394; Atty. Irene Ishiwata, 09185824619; o kay Marissa mula sa Office of Dean Sedfrey Candelaria sa 8997691 loc. 2303.

Show comments