^

Metro

Shabu tiangge sa Pasig City muling sinalakay

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Lumilitaw ngayon na bigo ang pamunuan ng Pasig City Government at Pasig police sa kampanya kontra iligal na droga matapos na madis­kubre na patuloy pa rin ang ope­rasyon ng malaking sindi­kato na nag-ooperate sa sinalakay na shabu tiangge matapos na muling lusubin ito ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA).

Ayon kay Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, ang pagsalakay ay ginawa ng awto­ridad pasado alas-4 ng umaga sa may Mapayapa Compound na mata­tagpuan sa F. Soriano Street sa Sto. Tomas Village sa bisa ng search warrant na ipina­labas ni Judge Cie­lito Min­daro-Grulia of the Manila Regional Trial Court Branch 29.

Ito ay makaraang maka­tang­gap ng impormasyon ang PDEA hingil sa patuloy na pamamayagpag ng bentahan ng shabu sa lugar. Natagpuan ng mga awtoridad ang natu­rang droga na naka­silid sa limang plastic bags at naka­tago sa ilalim ng water tank na nasa bubungan ng nasabing bahay. Limang malalaking plastic sachet na naglalaman ng 200-300 gramo ng shabu ang na­kumpiska ng mga tauhan ng PDEA sa naturang operasyon sa apat na palapag na bahay ng hinihinalang drug master­mind na si Amin Imam Boratong.

Pitong kabataan naman ang dinakip ng mga operatiba at kasalukuyang isinasailalim sa berepikasyon upang ma­kilala at mabatid ang kaugna­yan ng mga ito sa iligal na operasyon.

Nabatid na target ng ope­rasyon ang isang nagnganga­lang Boy Negro at isang Umnin Salam Laduna na siyang nagpapatuloy ng ope­rasyon. Nakatakas naman sa naturang operasyon ang asawa ni Boratong na si Mimi.

Kinuwestiyon naman ni Pasig police chief, Supt. Ramon De Jesus ang ope­rasyon ng PDEA dahil sa natanggap lamang umano niya ang opisyal na komuni­kasyon para sa isasagawang operasyon kahapon ng umaga lamang kung saan tapos na ang pagsalakay.

Una nang sinalakay ng PDEA at ng Philippine Na­tional Police ang naturang shabu tiangge sa likod lamang ng Pasig City Hall noong Hunyo 2007 kung saan na­diskubre ang mala-paleng­keng sistema ng bentahan ng iligal na droga sa naturang compound.

AMIN IMAM BORATONG

BOY NEGRO

DERRICK CARREON

DRUG ENFORCE

GRULIA OF THE MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JUDGE CIE

MAPAYAPA COMPOUND

PASIG

PASIG CITY GOVERNMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with