Alkalde ng Bataan iimbestigahan ng DILG

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) Secretary Ronnie Puno ang imbesti­gasyon sa isang alkalde sa Bagac, Bataan ka­ugnay sa alegasyon ng pang-aabuso nito sa mga kabataan ma­­tapos na paglaruin ng bas­ket­ball ng naka-brief lamang kapalit ang halagang P500 hanggang P1,000.

Ayon kay DILG Assistant Sec­retary Brian Yamsuan, iki­nagulat umano ng kalihim ang sumbong patungkol dito lalo na nang mapanood nito ang video ng halos mga hubong mga kabataan

Partikular na inatasang im­bestigahan ay si Bagac, Ba­taan Mayor Ramil del Rosario na sinasabing nag-utos sa mga ka­bataan na maglaro ng basket­ball ng nakasuot lamang ng brief.

Dagdag ng opisyal, dahil sa insidente agad na pinata­wagan ng Kalihim ang pro­ vin­­cial director ng Bataan para alamin ang puno’t dulo ng insi­dente at mabatid na rin ang kat­wiran ng mga ito sa di­umano’y pagbale­wala ng tang­gapan ng ahen­siya sa lalawigan nang idulog sa kanila ang reklamo.

Kasabay nito hinikayat naman ng DILG ang mga bik­tima na magsampa ng rekla­mong administratibo sa kan­yang tanggapan upang mag­ka­roon ng basehan sa pagsi­si­mula ng imbestigas­yon laban sa naturang alkalde.

Kabilang sa posibleng ka­song kaharapin ni del Rosario ma­liban sa grave abuse of autho­rity ay child abuse.

Una nang iti­nanggi ni del Rosario ang para­tang at sinabing bik­tima lamang siya ng politika at sad­yang gusto lamang siyang siraan.


Show comments