Alkalde ng Bataan iimbestigahan ng DILG
MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronnie Puno ang imbestigasyon sa isang alkalde sa Bagac, Bataan kaugnay sa alegasyon ng pang-aabuso nito sa mga kabataan matapos na paglaruin ng basketball ng naka-brief lamang kapalit ang halagang P500 hanggang P1,000.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Brian Yamsuan, ikinagulat umano ng kalihim ang sumbong patungkol dito lalo na nang mapanood nito ang video ng halos mga hubong mga kabataan
Partikular na inatasang imbestigahan ay si Bagac, Bataan Mayor Ramil del Rosario na sinasabing nag-utos sa mga kabataan na maglaro ng basketball ng nakasuot lamang ng brief.
Dagdag ng opisyal, dahil sa insidente agad na pinatawagan ng Kalihim ang pro vincial director ng Bataan para alamin ang puno’t dulo ng insidente at mabatid na rin ang katwiran ng mga ito sa diumano’y pagbalewala ng tanggapan ng ahensiya sa lalawigan nang idulog sa kanila ang reklamo.
Kasabay nito hinikayat naman ng DILG ang mga biktima na magsampa ng reklamong administratibo sa kanyang tanggapan upang magkaroon ng basehan sa pagsisimula ng imbestigasyon laban sa naturang alkalde.
Kabilang sa posibleng kasong kaharapin ni del Rosario maliban sa grave abuse of authority ay child abuse.
Una nang itinanggi ni del Rosario ang paratang at sinabing biktima lamang siya ng politika at sadyang gusto lamang siyang siraan.
- Latest
- Trending