Ginang niratrat, patay
MANILA, Philippines - Isang ginang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Taguig City. Nasawi noon din sa mismong pinangya rihan ng insidente bunga ng mga tama ng bala mula sa .45 kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan ang biktima na kinilala sa nakuhang NBI clearance at postal identification card sa mga pangalang Noraisa Samama at Noraisa Hadsi Usop, 25, tubong-Talayan, Maguindanao at residente ng Samata Village, Talon 5, Las Piñas City. Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang mangyari ang nasabing insidente sa Banayoyo St., Maharlika Village, Taguig City. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima ay kasalukuyang naglalakad sa nasabing lugar nang biglang lapitan ng isang lalaki na noon ay agad na nagbunot ng naturang kalibre ng baril saka pinagbabaril ang una. Tinangka pa umanong tumakbo ng biktima pero pinaputukan pa rin ito ng sunod-sunod ng suspect hanggang sa walang buhay na nalugmok ito sa lupa. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending