^

Metro

Mula Enero hanggang Hunyo, 15 patay sa dengue

-

MANILA, Philippines - Labinlimang   kabataan ang sinasabing namatay mula sa 705 indibidwal na nabiktima ng sakit na dengue sa Quezon City mula noong buwan ng Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Dra. Antonieta Inumerable, chief ng QC Health Department, mula Enero ng taong ito hanggang Hunyo ay sinasabing 10 barangay   apek­tado ng dengue. Kabilang anya sa mga nasawi ay mula edad 15-anyos pababa .

Kabilang sa sampung barangay na pinamugaran ng mga lamok na may dalang dengue ay ang Barangay Payatas, Commonwealth, Holy Spirit, San Roque, Batasan, Fairview, E Rodriguez, at Tandang Sora 

Gayunman, sinabi ni Inumerable na patuloy ang QC Health Department sa kampanya upang malabanan ang naturang sakit. Tanging ang kalinisan lamang anya ng katawan at kapaligiran ang susi para ito maiwasan. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANTONIETA INUMERABLE

BARANGAY PAYATAS

E RODRIGUEZ

ENERO

HEALTH DEPARTMENT

HOLY SPIRIT

HUNYO

KABILANG

QUEZON CITY

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with