Sabungang ginawang 'shabungan', ni-raid ng NBI

MANILA, Philippines - Nalambat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  isang maintainer-pusher ng isang drug den at 15 tauhan at mga paruk­yano nito sa isinaga­wang pagsalakay sa isang sabungan na ginawang ‘shabungan’ sa Dasmariñas Cavite, sa ulat kahapon.

Iprinisinta kahapon ni NBI Director Nestor Man­taring at Deputy Director Ruel Lasala ang maintainer na si Evelyn Gon­zales, 38 ng Block 18 Lot 71 Purok 4, Bgy Vic­toria Reyes, Dasma­riñas, Cavite; Rogelio Ortega; Ramil Gripon; Richard Tolero; Lauro Fajilan; Clyde Romero; Bienve­nido Angeles; Danilo Rodri­guez; Rodel Ruego; Mark Peril; Renato Chico; Christopher Beltran; Marlon Sanchez; Jefrey Saria; Alquin Decena at Adolfo Sapida, pawang resi­dente ng Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Mantaring, Mayo 28, 2009, nang ma­katanggap ng impormas­yon ang NBI Anti-Illegal Drug Task Force (AIDTF) hinggil sa umano’y  isang sabu­ngan sa Bgy. Victoria Reyes, Dasmariñas Ca­vite, na pinupuntahan umano ng mga tao para hindi para sa sabong kundi dahil dito naka­kabili ng shabu.

Nabatid na pila-pila pa umano ang mga buyer o iskorer ng shabu kaya’t madaling naisa­ilalim sa surveillance.

Dakong alas-3:00 ng hapon nang makipag-ugnayan ang NBI sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at sa Cavite Police bago isina­gawa ang joint ope­ration­.

Nasamsam ang mga shabu paraphernalia at cash na P288,000.00.

Ipinagharap na ng mga kaso ang mga nadakip. Pinaghahanap pa sina Emma Ilano at Eddie Ilano, na kapwa nakata­kas at sinasabing maintainer din ng nasa­bing drug den.

Show comments