^

Metro

Iskul sa Quezon City, binulabog ng bomb threat

-

MANILA, Philippines – Nagpanik ang mga estud­yante at guro ng Bagong Bantay Elementary School sa lungsod Quezon matapos na bulabugin ito ng magkasunod na bomb threats sa pamama­ gitan ng text messages ka­hapon ng umaga.

Sa pagkakagulo ng mga ka­bataan, napasugod sa na­sabing paaralan ang mga ma­gulang upang alamin ang kala­gayan ng kanilang mga anak.

Ayon sa ulat, ang text mes­sages ay natanggap ni Aileen Antonio, treasurer ng Parent Teachers Association (PTA) ganap na alas-6 ng umaga kung saan nakasaad ang katagang “gud am, may bomba jan sa school n’yo 6 na piraso. Bahala ka kung hindi mo sa­sabihin sa principal nyo ma­raming buhay ang mamamatay.”

Agad namang rumisponde ang operatiba ng Special Weapon and Tactics-Explosive Ordnance Division (SWAT-EOD) ng Quezon City Police sa pamumuno ng hepe nito na si Police Insp. Arnulfo Franco, at gina­lugad ang nasabing mga tanggapan ngunit makalipas ng halos isang oras ay negatibo ito kaya pinabalik na ang mga estudyante. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AILEEN ANTONIO

ARNULFO FRANCO

AYON

BAGONG BANTAY ELEMENTARY SCHOOL

PARENT TEACHERS ASSOCIATION

POLICE INSP

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

SPECIAL WEAPON AND TACTICS-EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with