^

Metro

Kelot tinubo

-

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang emple­yado makaraang paluin sa ulo ng isang hindi nakilalang sus­pek gamit ang isang tubo sanhi upang mabiyak ang bungo nito, kahapon ng umaga sa Pasig City. Nakilala ang nasawi na si   si Charly Luares, ng Universal Robina Corp. at naninirahan sa PNR Site, FTI Compound, Taguig City.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa tapat mismo ng URC sa may C-5 Road Brgy. Bagong Ilog, ng naturang lungsod. Nabatid na kausap ng biktima ang kasama­han sa trabaho na si Jose Fayo nang lumapit ang isang lalaki na may nakatakip na damit sa mukha at bigla na lamang pi­nalo ng dalang tubo ang biktima sa ulo. Agad namang tumakas ang salarin makaraan ang pamamalo habang tinulungan ni Fayo ang kaibigan na ma­isugod sa pagamutan kung saan hindi na naisalba ang buhay nito. 

Bagama’t sinasabing wa­lang nakaaway ang biktima sa trabaho, malaki ang hinala ng pulisya na isa sa mga naging kasama nito ang may malaking galit sa biktima. (Danilo Garcia)


BAGAMA

BAGONG ILOG

CHARLY LUARES

DAKONG

DANILO GARCIA

JOSE FAYO

PASIG CITY

ROAD BRGY

TAGUIG CITY

UNIVERSAL ROBINA CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with