Electrician sinumpak todas

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang elec­trician matapos na sum­pakin ng isang kapitbahay na nag-ugat sa dating alitan sa lung­ sod Quezon, iniulat ka­hapon.

Dead-on-arrival sa paga­mutan ang biktimang si Fran­cisco Sanogal, 40, ng Legaspi St., Brgy. B., Brgy. Payatas sa lungsod. Hinahanting naman ng awtoridad ang suspek na si Ruben Hipolito na agad tu­ma­kas makaraan ang pama­maril.

Ayon sa ulat ni PO3 Rodel Tumangday, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa harap ng isang tindahan sa nasabing lugar ganap na alas-7 ng gabi.

Sinasabing nakatayo ang biktima sa harap ng tindahan nang bigla na lamang sumul­pot ang suspek na armado ng sumpak at agad na pinapu­tukan ang una. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tu­makas ang suspek habang ang biktima ay agad namang isinugod ng kanyang pinsang si Gonardo Sanogal at asa­wang si Editha sa East Ave­nue Medical Center (EAMC) ngunit idineklara rin itong patay. (Ricky Tulipat)

Show comments