Electrician sinumpak todas
MANILA, Philippines - Patay agad ang isang electrician matapos na sumpakin ng isang kapitbahay na nag-ugat sa dating alitan sa lung sod Quezon, iniulat kahapon.
Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Francisco Sanogal, 40, ng Legaspi St., Brgy. B., Brgy. Payatas sa lungsod. Hinahanting naman ng awtoridad ang suspek na si Ruben Hipolito na agad tumakas makaraan ang pamamaril.
Ayon sa ulat ni PO3 Rodel Tumangday, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa harap ng isang tindahan sa nasabing lugar ganap na alas-7 ng gabi.
Sinasabing nakatayo ang biktima sa harap ng tindahan nang bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng sumpak at agad na pinaputukan ang una. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay agad namang isinugod ng kanyang pinsang si Gonardo Sanogal at asawang si Editha sa East Avenue Medical Center (EAMC) ngunit idineklara rin itong patay. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending