Police asset itinumba

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang police asset ng hindi pa naki­kilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Namatay noon din   sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Arturo Quidilla, 34, ng Block 27, Lot 9, Fishpond ng nabanggit na lungsod.

Samantala, blanko pa ang pulisya sa suspek ni Quidilla at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil dito.

Sa pahayag ng saksing si Rosalinda Fernando, 43, ng nasabing lugar sa Caloocan City Police, alas-8:50 ng gabi habang nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nang siya ay lumabas ay nakita niyang duguang nakabulagta ang biktima na naging dahilan upang itawag sa pulis ang insidente Lumalabas, na asset ng pulis ang biktima at malamang na pinaghigantihan ito ng mga nainguso nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments