Bodega nasunog

MANILA, Philippines - Isang bodega ng tela sa Novaliches, Quezon City   ang nasunog kahapon ng umaga. Wala namang naiulat na na­sugatan o nasawi sa sunog na tumupok sa bodega ng Gold Lane Altas Road sa Brgy. San Bartolome, Novaliches. Hinihi­nalang depektibong kunek­syon sa kuryente ang pinag­mulan ng sunog pero patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (Angie dela Cruz)

Show comments