4 na drug suspect iniharap sa media
MANILA, Philippines - Iprinisinta kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency Director Dionisio Santiago ang apat na suspek at isang Chinese national na naaresto sa pagsalakay ng PDEA sa isang shabu laboratory sa Cotabato City.
Kinilala ang mga suspek na sina Norjata Bumbong alyas Mylene Donato, 26- anyos; Samsudin Bumbong, 24-anyos; Sultan Mastura at Francis Kit Alonte ng Tacloban City.
Kasamang nadakip ang Chinese national na si Chin Chan Chou alyas Peter Chou, 45-anyos, ng Xiamen City, China na sinasabing nasa likod ng pagtatayo ng tatlong shabu laboratory sa Metro Manila na una nang nabuwag ng mga awtoridad.
Una rito, nagsanib ang puwersa ng PDEA at ng 603rd brigade at Task Force Tugis ng Philippine Army para salakayin ang shabu laboratory sa purok Mahigugmaun, Brgy. Mother Rosary Heights, Cotabato City.
Sinabi ni Santiago na ito ang kauna-unahang shabu laboratory na sinalakay sa lunsod makaraang makumpirma ang modus operandi ng mga suspek. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending