Binoga sa pagtulog

MANILA, Philippines - Isang 29 anyos na negosyante ang pinagbabaril hanggang mapatay habang natutulog ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa Papaya St., Phase 11, Brgy. CAA, Las Piñas City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ibrahim Macaangga, binata, tubong-Marawi City. Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya laban sa suspek na si Jamal Umadan, nasa hustong gulang, residente sa Orange St. sa nabanggit pa ring lugar.

Ayon sa pulisya, posibleng may matagal nang alitan ang suspek at biktima at ito ang kanilang iniimbestigahan sa ngayon. (Lordeth Bonilla)

Show comments