3 karnaper timbog

MANILA, Philippines - Tatlong hinihinalang car­napper ang nasakote ng pulisya makaraang tangkain nilang nakawin ang isang Starex van na nakaparada sa labas ng SM South Mall sa Brgy. Almanza 1, Las Piñas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na pawang residente ng Cavite na sina Joel Cuenca, 33, may asawa, dating pulis-Parañaque; Ryan Atega alyas “Yan”, 29, binata; at Este­ban Letada, 36, binata.

Nakaparada ang Starex van, na kinalululanan ng isang Renante Robles sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek at tinutukan ng baril ang biktima para tangayin ang sasakyan.

Nagsisigaw si Robles upang humingi ng saklolo na nakapagbigay-pansin naman sa mga naka-duty na guwar­diya at mabilis na nagres­ponde rito. Kaagad na ipina­alam sa mga pulisya ang in­sidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga sus­pek. (Lordeth Bonilla)

Show comments