3 Intsik, 1 Tsinoy nalambat, P100-milyon drug bust sa Quezon City

MANILA, Philippines - Bumagsak sa pinag­sanib na operatiba ng PNP Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ang tatlong pinaghihina­laang big-time drug traf­ficker na kinabibilangan ng 3 Intsik at isang Tsinoy kasunod ng pagkaka­sam­sam sa 22-kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P100 milyon sa isina­gawang drug bust opera­tions sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga na­dakip na Chinese na sina Jiang Hou Zao, 47, ng Bi­nondo, Manila; Jeson Akawu Jian, 38, ng Ma­labon , Chen Jun Yue, 31, ng Eastwood, Libis, Que­zon City   at   ang Tsinoy na si Jojit Ilao, 34, ng Sam­paloc, Maynila.

Ayon kay PNP-AID-SOTF Chief P/Deputy Director General Jeffer­son Soriano, pasado alas-8 ng umaga nang mag­sagawa ng drug bust operation ang mga awto­ridad sa isang restaurant malapit sa Welcome Ro­tonda sa Kanlaon St., Brgy. Sta. Teresita, Sta. Mesa Heights ng na­sa­bing lungsod.

Nakipag-deal ang po­seur-buyer ng mga aw­to­ridad na bibili ng dala­wang kilo ng shabu ka­palit ng marked money sa mga suspect. Mata­pos magkabentahan ay agad pinosasan ng arrest­ing team ang nasorpresang mga suspect.

Nagtangka pang tu­ma­kas ang mga ito lulan ng kanilang mga behi­kulo subali’t agad silang na­abutan ng mga awto­ridad.

Bukod sa dala­wang kilo ng shabu na una nang ibinenta sa poseur-buyer, nasabat din sa mga sus­ pect ang 20-kilo pa ng droga sa compart­ment ng kanilang sasak­yang Nissan Grandeur. Sinabi ng opisyal na ti­natayang nagkakaha­laga ng P100 milyon ang na­rekober na high grade shabu.

Nasamsam rin sa mga suspect ang isang kulay abong Nissan Exalta (XBX-883), isang itim na Toyota Altis (XSU-502), berdeng Honda Civic ( XDS -845).

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasakoteng suspect.

Show comments