Mag-asawa tinuluyan ng maid sa pag-o-orgy
MANILA, Philippines – Hindi nakuha ng mag-asawa sa pakiusap ang kanilang 18-anyos na katulong na umano’y sapilitang isinama sa pag-o-orgy na ginawan pa ng “sex video” matapos itong magsampa ng kasong rape sa Manila Prosecutor’s office (MPO).
Personal na nagsampa ng reklamo si SPO1 Juzemar Feleo, ng Manila Police District-Women and Children Concern Division (MPD-WCCD) kung saan tiniyak umano sa kanya ng biktima na itinago sa pangalang Linda na itutuloy niya ang kasong rape laban sa kanyang employer na si Quezon Cunanan, 46, at asawa nitong si Melva, 32, kapwa ng F. Cayco St., Sampaloc, Manila.
Nananatiling nakadetine sa MPD headquarters, ang mag-asawa at patuloy na naninindigan na walang naganap na rape at hindi nila pinuwersa ang biktima na makipagtalik.
Sa sinumpaang salaysay ni Linda, sinabi nito na nagsimula ang kanyang kalbaryo noong Mayo 18-20 matapos siyang isama ng mag-asawa sa bakasyon sa kanilang resthouse sa Baliwag, Bulacan.
Sinabi ng biktima na inutusan siya ni Quezon na imasahe si Melva,at pagdating niya sa kuwarto nakita niya na nakadapa pero nakahubad si Melva, habang si Quezon ay nakatapis lamang ng tuwalya.
Doon na umano siya sinimulang molestiyahin ng mag-asawa. Nang sumunod na araw (Mayo 19), inutusan muli siya ng amo na magpunta sa kuwarto, pero pinapaligo muna siya at sinabihan na huwag magsuot ng anuman kaya pumasok siya sa kuwarto na nakatapis lamang ang tuwalya.
“Sabi po ni kuya na nakatapi lang ng tuwalya at si Ate Melva ay naka-bra at panty na lang na “huwag kang maingay at trip lang natin ito,” ayon kay Linda.
Nang makaraos umano sa kanya si Quezon,ay nagsimula na umanong mag sex ang mag-asawa sa harapan niya. May limang beses umanong naulit ang sex trip,bago niya ipinasiyang magreklamo laban sa mag-asawa.
Nabatid din sa MPD-WCCD na hawak na nila ang sex videos ng mag-asawa na nakikipagtalik kay Linda at may iba pang sex video ang mag-asawa kasama ang isang prostitute na umano’y kanilang binayaran. (Doris Franche at Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending