^

Metro

Biktimang tsinoy na-rescue, 4 kidnaper patay sa engkuwentro

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Apat  na miyembro ng kidnap for ransom syndi­cate ang nasawi matapos na makipagba­rilan sa mga pulis kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rogelio Ortega, 56, ng Silangan, San Mateo, Rizal; Alberto Choy, 42, ng Angono, Rizal; Emmanuel Pineda, 54, na sinasabing lider ng grupo at naninirahan sa Cainta, Rizal. Ang tatlo ay agad na nasawi sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro , habang ang isa pang suspect na si   Eric Ogdol, 32, ng Pasay City ay dead on arrival ito sa pinagdalhang pagamutan.

Ayon kay Sr. Supt. Alfredo Valdez, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-5 ng umaga sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue, ng nabanggit na lungsod.

Bago ang barilan, nabatid na ang mga suspek ay sakay ng isang Nissan Sentra (TFR-968) nang balewalain ang nakatatag na checkpoint sa Blue Wave, Pasay City. Dito na nagkaroon ng habulan hanggang sa magka­palitan ng putok ng baril ang magkabilang panig na umabot ang habulan hanggang sa Parañaque.

Makalipas ang ilang minutong habulan at doon na bumulagta ang apat na kidnaper. Narekober sa mga suspek ang isang sasakyan na pag-aari ni Gerald Lao Tiu, isang Tsinoy at kidnap victim na na-rescue ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) noong Miyerkules dakong ala- 1:30 ng hapon sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal,

Gayundin, narekober sa mga ito ang kalibre .45 baril at isang 9mm na ginamit sa paki­kipagbarilan, isang travelling bag na nagla­laman ng iba’t bang ID at tseke ng Security Bank na nakapangalan din kay Tiu.

Matatandaan na si Tiu ay kinidnap noong Miyerkules ng umaga, sa harapan ng tang­gapan nito sa Quezon City.


ALBERTO CHOY

ALFREDO VALDEZ

BLUE WAVE

DIOSDADO MACAPAGAL AVENUE

EMMANUEL PINEDA

ERIC OGDOL

GERALD LAO TIU

PASAY CITY

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with