^

Metro

Bel­monte 'di tatakbo sa pagka-presidente

-

MANILA, Philippines – Niliwanag ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Bel­monte na wala siyang plano na kumandidato bilang Pa­ngulo ng bansa kahit na lumi­litaw ang kanyang pangalan sa listahan ng mga taong nais kumandidatong Pangulo sa 2010.

Sa administration party Lakas Kampi CMD na ka­alyado ni Belmonte, luma­bas ang pangalan ng Al­kalde sa mga tatakbo sa 2010 elections. Sa isang panayam sa isang press conference sa Annabel’s Restaurant sa QC, sinabi ni Belmonte na mas nanaisin niiyang tumakbo ulit bilang Congressman kaysa sa pagiging Pangulo ng bansa.

“Let’s be realistic about that (presidential ambition)—that’s not a realistic expecta­tion on my part. I actually said early on — not that I’m not in­te­rested — but that I will not pur­sue it,” pahayag ni Bel­monte.

Mas nanaisin umano niya na bumalik sa Kongreso, pero pinag-iisipan pa umano niya ito nang husto. Malaki rin ang pag- asa ni Bel­monte na kung sinuman ang pumalit sa kanya bilang ama ng lungsod ay ipagpa­patuloy nito ang kan­yang ma­gandang nasimu­lan sa QC.

“I’m very confident that who­ever wins will build on what I did, the same way that I built on what my predeces­sors did,” dagdag ni Belmonte

Si Belmonte ay nagwaging Congresman sa ika-apat na distrito ng QC sa loob ng tat­long termino bago naging Al­kalde sa lungsod.

Nang ma­ging Alklade ng QC mula 2004 hanggang sa kasalukuyan, napaganda niya ang lungsod at kinikilalang richest city sa buong bansa. (Angie dela Cruz)

ALKLADE

ANGIE

ANNABEL

BELMONTE

CONGRESMAN

LAKAS KAMPI

PANGULO

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

SHY

SI BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with