^

Metro

1st PNP lady director 5 araw lang sa puwesto

-

MANILA, Philippines – Gumawa ng kasaysayan si Chief Supt. Lina Sarmiento ma­ tapos na maging kauna-una­hang “lady director” sa National Capital Region ngunit natabunan ito ng bago ring rekord maka­ra­ang tumagal lamang ang kanyang panu­nung­kulan sa Eastern Police District (EPD) ng limang araw.

Ito’y matapos na apruba­han ni PNP chief, Director Ge­ne­ral Jesus Versoza ang pag­papa­balik kay Chief Supt. Lino Calingasan bilang director ng EPD makaraang italaga ito bilang director ng Police Security and Protection Group sa Camp Crame.

Matatandaan na nanumpa sa kanyang bagong tungkulin bilang director ng EPD si Sar­miento nitong nakaraang Huwe­bes, Hunyo 4 ngunit agad rin namang nagbalot ng kanyang mga gamit kamaka­lawa matapos na lumabas ang kautusan na nagpapabalik kay Calingasan sa EPD.

Itinalaga naman si Sar­miento bilang director ng Po­lice Security and Protection Group (PSPG) kapalit ni Cali­ngasan. Sinabi naman ni Ca­li­nga­san na muli siyang ibinalik sa EPD upang magbigay ng seguridad sa ginanap na kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa pangu­nguna ng United Opposition sa Makati City. 

Ayon naman sa isang source, matagal nang inaaya­wan ni Calingasan ang puwes­to bilang director ng PSPG at mas nanaisin na manatili bilang director ng EPD kahit na maging nasa ilalim ito ni National Capital Region Police Office chief, Director Roberto Rosales kahit mas senior siya rito. Nabatid na miyembro ng Philip­pine Military Academy batch 77 si Calingasan habang si Rosales naman ay batch 78 ng PMA. Hindi naman suma­sagot sa kanyang telepono si Sarmiento upang magbigay-linaw sa naturang isyu. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

CALINGASAN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DIRECTOR

DIRECTOR GE

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

EASTERN POLICE DISTRICT

JESUS VERSOZA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with