MANILA, Philippines – Hinoldap ng pitong armadong kalalakihan ang isang sangay ng Union Bank sa Makati City kahapon ng hapon kung saan isang bystander ang nasu gatan matapos tamaan ng ligaw na bala habang hinahabol ng mga pulis ang grupo ng mga suspect.
Pinaulanan pa ng bala ng mga suspek ang mga pulis na nagpapatrulya sa kahabaan ng Pasay Road habang papatakas ang mga ito hanggang sa tinamaan ng ligaw na bala ang biktimang si Gerald Florentino.
Sa sketchy report na natanggap ni Chief Insp. Bernard Manera, hepe ng Investigation & Detective Management Branch ng Makati Police, nabatid na apat sa mga suspect ay pawang naka-camouflage at may bitbit ng matataas na kalibre ng baril ang puwersahang pumasok sa Union Bank na matatagpuan sa kaha baan ng Amorsolo St., Legazpi Village, ng nabanggit na siyudad dakong ala-1:50 ng hapon.
Agad na dinisarmahan ng mga ito ang nag-iisang guwardiya at nagdeklara ng holdap, habang nagsilbi namang look-out ang tatlo pa nilang kasama.
Nakunan naman ng close circuit television (CCTV) sa loob ng banko ang ginawang panghoholdap ng mga suspek kung saan mabilis na natangay ng mga ito ang pera sa mga teller ng naturang banko bago mabilis na nagsitakas sakay ng isang kulay puting Toyota Hi Ace van (XDD-249) na patungo ng EDSA.
Tiyempo namang nagpapatrulya ang isang mobile car ng Makati City Police sa daraanan ng mga holdaper kaya’t niratrat kaagad nila ang mga pulis na masuwerteng hindi tinamaan.
Bukod sa mobile car, tinamaan din ng ligaw na bala ang dalawa pang nakaparadang sasakyan at si Florentino ay kaagad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Hindi ba mabatid kung magkanong halaga ang natanggay ng mga suspect. (Lordeth Bonilla)