Matapos manood ng Hayden-Katrina sex video, mag-asawa pinilit makipag-orgy ang maid
MANILA, Philippines – Dumulog sa Manila Police District- Women and Children Concern Division ang isang 18-anyos na dalagang katulong matapos umano siyang puwersahin ng kanyang mga amo sa hindi ordinaryong pagtatalik o “threesome”, matapos mag-init sa panonood ng kontrobersiyal na sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili, noong Hunyo 5, (Biyernes).
Sa reklamo ng biktimang itinago sa panga lang “Cherry”, 18, tinakot umano siya ng mag-asawang sina Quezon Cunanan, 46 at Melva, 32. residente ng F. Cayco St., Sampaloc, Maynila kaya napilitan siyang makipagtalik ng sabayan sa loob ng kuwarto ng mga ito matapos ang panonood nila ng mga sex video nina Kho at Halili.
Aniya, niyaya siya ng mag-asawa na manood ng nasabing video alas 12:00 ng madaling-araw noong Biyernes at nang mag-init umano ang mag-asawa ay niyaya siya na mag-sex trip sa loob ng kanilang silid at hindi na umano siya nakapalag.
Sa imbestigasyon ni MPD-WCCD chief, C/Insp. Anita Araullo, naganap ang insidente nang lasing umano ang tatlo kabilang ang complainant na pinainom din ng mag-asawa ng alak.
Sa imbestigasyon, itinanggi ng mag-asawa na pinilit nila ang biktima, bagkus ay gustong-gusto rin umano nito ang nangyari.
“Paninindigan namin na walang rape na nangyari. Ginusto niya ang nangyari sa amin hindi namin siya pinilit,”ayon kay Quezon.
Bukod sa mga pahayag ng pagtanggi, isinumite din ng mga suspek ang tatlong sex video na kinunan nila sa pamamagitan ng cellphone at may kopya umano sa kanilang USB, bilang patunay na walang pwersahang naganap at kusang bumigay ang biktima.
“May dalawang video sa cellphone at isa naka-save sa USB at makikita n’yo doon na hindi siya pinilit at siya pa ang nasa ibabaw ko,” pahayag ni Quezon.
Depensa naman ni Melva, ang biktima pa uma no ang nakiusap sa kanila na gusto niyang mapanood ang kontrobersiyal na sex video nina Halili kaya pinagbigyan nila ito.
“Habang nagkukuwentuhan kami nang pinapanood namin ‘yung video inalok ko siya kung gusto niya na mag-trip kami. Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-tres (threesome) kami sabi niya sa akin okay lang sa kanya kaya nag-threesome kami,” pag-amin ni Melva sa imbestigador.
Mariin ding pinabulaanan ni Melva na ayaw ng biktima gayung ito pa umano ang nagtuturo kung paano ang gagawin nila na mistu lang director ng pelikula.
Kusa pang umamin si Melva na hindi lamang umano isang beses kungdi tatlong beses silang nag-sex trip sa loob ng kuwarto at gusto umano ito ng biktima habang natutulog ang apat na mga anak.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng MPD-WCCD ang mag-asawa at inihahanda ang kasong rape laban sa kanila.
- Latest
- Trending