Barker lasog sa bus
MANILA, Philippines – Lasog ang katawan ng isang 39-anyos na barker matapos na masagasaan ito ng isang rumaragasang bus habang lasing na tumatawid sa Commonwealth Ave., Quezon City, iniulat kahapon.
Si Fernando Miyaco, ay binawian ng buhay dakong alas-12 ng hatinggabi habang nakaratay sa Fairview General Hospital dahil sa sinapit nitong internal hemmorhage.
Sumuko naman agad ang driver na si Jesus Fernan, 46, ng Jell Transport (TXU-921).
Ayon pa sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Halamanan Village, Brgy. Commonwealth, Quezon City. Galing umano sa inuman ang biktima at papatawid sa nasabing lugar nang bigla na lamang sumulpot ang rumaragasang Jell Transport at nahagip ang biktima. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending