Illegal terminals sa Manila binalaan
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kamakailan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga may-ari at driver ng mga pampasaherong jeepney, FX at tricycle na bawal magtayo ng kanilang terminal sa alin mang mataong lugar sa lunsod na makakasagabal sa daloy ng trapiko.
Sinabi ni Lim na inatasan na rin niya si Chief of Staff Ric de Guzman, ang Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Police District at maging mga barangay chairman na tanggalin ang mga iligal terminal sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ilan sa mga pinatutukan ni Lim ay ang Dasmariñas at Blumentritt na pinamumugaran na umano ng mga pampasaherong jeep at mga tricycle.
Gayundin ang mga terminal ng mga FX sa Lawton. Ayon naman kay de Guzman, sakayan at babaan lamang ng mga pasahero ang kanilang pinapayagan. (Doris Franche)
- Latest
- Trending