^

Metro

Estudyante sa QC lumobo

-

MANILA, Philippines - Mahigit 16,000 estud­yante mula sa mga pribado at pumpublikong paaralan sa Metro Manila ang lumipat sa Quezon City public schools ngayong pasukan.

Ito ang inireport ni QC Schools Division superintendent Dr. Victoria Q. Fuentes kay Mayor Feli­ciano Belmonte Jr. sa isina­gawang regular executive staff meeting sa Executive-Legislative Conference Room ng City Hall building kamakailan.

May 3,914 na estud­yante mula sa mga priba­dong eskuwelahan sa ele­mentarya at sekun­darya ang lumipat sa mga pa­aralan sa lunsod. 12,220 naman ang nagmula sa ibang division ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila tulad ng Malabon at Caloocan.

Ayon kay Fuentes, ang pagdagsa ng transferees sa pampublikong paaralan ng lungsod ay bunsod ng mga mahuhusay na gamit sa mga eskuwelahan dito gaya ng mga school building, makabagong gamit tulad ng internet-connec­ted computer at e-library.

‘‘Maraming nagagan­dahan sa QC public schools natin ngayon dahil parang hindi raw ito mga public school sapagkat magaganda ang mga itsura. Bukod pa ito sa mga magagaling na mga principal at guro na mayroon ang ating public school sa ngayon,’’ ani Fuentes.

Ngunit, aniya, ang pang­yayari ay magdudulot ng ilang problema sa pam­publikong paaralan dahil tiyak na kakapusin ang silid-aralan, libro, silya, lamesa at iba pa.

Sa ngayon, inamin ni Fuentes na nararam­da­man na ito sa Batasan Hills High School na mayroon nang 95 estudyante sa isang silid-aralan dahilan upang hatiin sa dalawang shift ang kanilang klase.

‘‘Dahil sa dami ng estudyante ngayon ang ibang bata ay pumapasok ng maagang maaga para lang mauna at makakuha ng upuan,’’ ani Fuentes.

Ito ay totoo rin sa Quezon City Polytechnic University kung saan umabot sa 5,194 estud­yante ang nag-enrol dito ayon sa naitala noong Hunyo 2.

BATASAN HILLS HIGH SCHOOL

BELMONTE JR.

CITY HALL

DR. VICTORIA Q

EXECUTIVE-LEGISLATIVE CONFERENCE ROOM

FUENTES

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with