^

Metro

Umawat sa away binoga

-

MANILA, Philippines – Isang 23-anyos na lalaki na umawat lamang sa pagwawala ng isang lasing ang siyang napagbalingan at mapatay ng huli sa isang lamayan kamakalawa ng gabi sa San Andres Bukid, Manila.

Patay na nang isugod sa Ospital ng Maynila  ang biktimang si  Christopher Balceda, ng Radium St., San Andres Bukid sanhi ng tama ng bala sa dibdib. Tinutugis na ang suspek na kilala lamang sa lugar sa alyas na “Joel”, sidewalk vendor at isang di nakilalang babae na diumano’y live-in partner ng suspek na kapwa tumakas matapos bumulagta ang biktima.

Sa ulat ng pulisya ,  dakong 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Radium at Dagohoy Sts., sa San Andres Bukid. Nabatid na ilang kaibigan at residente ang kainuman ng suspek sa burol sa patay nang malasing na umano ito ay nagsi­mulang manggulo na ikinairita ng mga nasa lamayan kaya ito binato. Agad namang sumaklolo ang live-in partner ng suspek subalit sa halip na ilayo sa gulo at gamutin ang sugat ay nakitang inabutan pa nito ng baril ang suspek na nakabalot umano sa tuwalya. Isa ang biktima sa nakakita umano na may inaabot na baril kaya nilapitan ang suspek at pinayuhang umuwi na lamang. Sa puntong iyon ay bigla umanong uminit ang ulo ng suspek at sa halip ay ipinutok umano ang baril sa biktima at saka mabilis na hinatak ang live-in partner upang tumakas. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

CHRISTOPHER BALCEDA

DAGOHOY STS

ISA

ISANG

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NABATID

RADIUM ST.

SAN ANDRES BUKID

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with