Tsuper binoga na, sinaksak pa

MANILA, Philippines - Binaril muna bago sinaksak hanggang sa mapatay ang isang tsuper ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay natutulog sa loob ng kanyang kuwarto kamakalawa sa lungsod ng Caloocan. Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib at mga saksak sa katawan si Diosdado Giganto, 42, stay-in sa Pingping shoe supply, na matatagpuan sa Teodoro St., 11th Avenue, nabanggit na siyudad. Inaalam pa ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaslang sa biktima. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:15 ng hapon sa loob ng kuwarto ng biktima sa nabanggit na lugar. Masusi pang iniimbestigahan ng pulisya ang nabanggit na insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments