^

Metro

Lolo lasog sa 12-wheeler truck

-

MANILA, Philippines - Basag ang bungo ng isang 63-anyos na empleyado ng Tondo General Hospital matapos ma-hit and run ng isang 12-wheeler truck habang nagbibisikleta, kahapon ng umaga sa Tondo Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Danilo Villanueva, maintenance ng Tondo General Hospital, residente ng  766 Maria Dizon st., Tondo.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Alberto Perez, driver ng truck (TAA-948) na pag-aari ng DCE Enterprise at resi­dente ng Dagat-Dagatan, Navotas City. Iniwan nito ang minama­nehong truck at sakay nitong pahinante na si Matt Dagani ng Balut, Tondo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng H.Lopez  at Infante sts., Balut, Tondo. Sinasabing papasok sa trabaho ang biktima at habang binabagtas ang nasabing kalye ay umiwas sa kaunting baha at sa pag-iwas ay nagkataong nahagip ng rumaragasang 12-wheeler truck.

Pumailalim ang biktima at nagulungan ito na ikinabasag umano ng bungo. Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa employer ng suspek para sa  ikadarakip nito at makasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALBERTO PEREZ

BASAG

DANILO VILLANUEVA

LUDY BERMUDO

MARIA DIZON

MATT DAGANI

NAVOTAS CITY

TONDO GENERAL HOSPITAL

TONDO MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with