^

Metro

Empleyada natagpuang patay

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pulutong ng mga bangaw at dala na rin ng ma­sangsang na amoy ay nadis­kubre ang bangkay ng isang dalagang empleyada sa inu­upahan nitong silid, kamaka­lawa ng hapon sa Parañaque City. Naaagnas na nang ma­tagpuan ang bangkay ng bikti­mang si   Mary Grace Pascua, 31, computer encoder at nanini­rahan sa Room E, #8 Filipinas Avenue, United Parañaque Sub­division-5, Brgy. San Isidro, nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya na dakong alas-2:30 ng hapon, habang nagli­linis sa compound ang may-ari ng bahay na si Meliton Mon­dejar Jr., nang mapuna nito ang nagliliparang bangaw patungo sa silid ng biktima. Bukod pa dito, na­pansin din ng kasera ang ma­sansang na amoy at nang suriin ay may nakita itong bahid ng dugo sa pinto ng kuwarto ng bik­tima. Dito ay mi­nabuti ng kasera na ipagbigay-alam ang natukla­san sa kan­yang kapit­bahay na si Roberto Barroma saka inim­pormahan ang pu­lisya. Nang pwersahing buksan ang pin­tuan, tumambad ang bangkay ng biktima na may nanunuyong sugat at umagos na dugo sa kanyang noo.

Hini­hinala naman ng pulisya na may tatlong araw nang patay ang biktima. Sa ginawang pag­si­siyasat, maayos at wala naman nawawalang kagamitan sa silid ng biktima kung saan patuloy pang inaalam ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

BRGY

FILIPINAS AVENUE

MARY GRACE PASCUA

MELITON MON

ROBERTO BARROMA

ROOM E

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN ISIDRO

SHY

UNITED PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with