^

Metro

DOTC assistant secretary sugatan sa ambush

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang opisyal ng Department of Trans­portation and Communica­tions (DOTC) makaraang tambangan ng mga hindi nakilalang salarin habang naiipit sa buhul-buhol na tra­piko sa Ortigas Avenue Ex­tension, Pasig City kahapon ng umaga.

Isinugod sa hindi na bi­nanggit na pagamutan ang biktimang nakilalang si Elmer Soneja, Assistant Secretary for Planning and Project De­velopment. Nabatid na ligtas ito sa kapahamakan at nasa maayos ng kondisyon.

Sa inisyal na ulat ng Pasig City Police, naganap ang in­sidente dakong alas-9:30 ng umaga sa may Ortigas Ave­nue Extension malapit sa kanto ng De Castro Street, Brgy. Sta. Lucia. 

Sakay si Soneja ng kan­yang itim na Toyota Hi-Lux sports utility vehicle (ZNW-329) at naiipit sa mabagal na trapiko nang lumapit ang dalawang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang sasakyan nito.

Mabilis namang isinugod ng mga rumespondeng awto­ridad si Soneja sa pinaka­malapit na pagamutan kung saan lumalabas na hindi naman malala ang tama nito sa balikat at kaliwang bahagi ng katawan matapos na magawa pa nitong magpa­kilala sa mga opisyal ng ospital.    

Ayon sa isang saksi, nakita niya ang dalawang suspek na kaswal na lumapit sa driver’s seat ng sasakyan na mis­mong minamaneho ni Soneja at pinagbabaril ito nang ma­lapitan. Nagtamo ang sasak­yan ng apat na tama ng bala kung saan dalawa ang tumama sa opisyal.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo. Nabatid rin na posibleng may back-up ang mga salarin matapos na maispatan ng ilang saksi ang isang tricycle lulan ang tatlo pang lalaki na mabilis ring tumalilis sa lugar makaraan ang pamamaril.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng naturang pananam­bang na posibleng may kina­laman umano sa trabaho nito sa DOTC.

Naganap ang pagsalakay kay Soneja, isang taon maka­raan ang pagtestigo nito sa imbestigasyon sa kontrober­syal na US$329 million ZTE Broadband deal na pinasok ng pamahalaan. Si Soneja ang chairman ng “bids and awards committee” kung saan dumaraan sa kanya ang lahat ng proposal na isinusumite upang inspeksyunin kung maanomalya ito.

Nagtestigo naman ito na walang maanomalya sa na­turang proyekto at dumaan ito sa maayos na procedure.

Samantala, inatasan na kahapon ni PNP Chief Di­rector General Jesus Verzosa ang Task Force Elected Government Official { EGO} na masusing imbestigahan ang kaso ng pananambang kay Soneja.

Ang Task Force EGO ay pi­namumunuan ni Deputy Director General Jefferson Soriano .

Sinabi ni Verzosa na ma­liban dito ay bumuo na rin si National Capital Region Police Office ( NCRPO) Di­rector Chief Supt Roberto Ro­sales ng Special Task Force upang siyasatin ang motibo ng pananambang at pagka­sugat sa biktima. (Dag­dag ulat ni Joy Cantos)

ANG TASK FORCE

ASSISTANT SECRETARY

CHIEF DI

CHIEF SUPT ROBERTO RO

DE CASTRO STREET

DEPARTMENT OF TRANS

DEPUTY DIRECTOR GENERAL JEFFERSON SORIANO

SHY

SONEJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with