^

Metro

5 sugatan sa demolisyon

-

MANILA, Philippines – Lima katao ang nasugatan nang labanan ng mga residente ng isang tenement sa H. Santos St., Brgy. Tejeros, Makati City ang mga tauhan ng Civil Disturbance Unit at demolition team ng lunsod na nagtangkang gumiba sa naturang gusali kahapon. Ayon sa sheriff na si Bayani Acle, inutos na ng lokal na pamahalaan ng Makati na gibain ang tenement makaraang masalaula na ito at hindi nagbayad ng obligasyon ang mga nakatira rito simula pa noong 1980.

Ang tangkang paggiba sa gusali ay hinadlangan naman ng mga residente na lumaban sa demolition team. Habang sumu­sugod ang demolition team, ibinarikada ng mga residente ang kanilang mga maliliit na anak at pinagbabato pa umano ng mga ito ang mga pulis at demolition team. (Rose Tamayo-Tesoro)


vuukle comment

AYON

BAYANI ACLE

BRGY

CIVIL DISTURBANCE UNIT

HABANG

MAKATI

MAKATI CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SANTOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with