^

Metro

24/7 ng MRT sinimulan

-

MANILA, Philippines – Sinimulan na kamakalawa ng gabi ang 24/7 o mag­damag na biyahe ng Metro Rail Transit (MRT3) na labis namang ikinatuwa ng mga commuters lalo na ng mga namamasukan sa iba’t ibang call centers sa Metro Manila.

Sinabi ni MRT3 General Manager Reynaldo Berroya, na matagumpay ang unang pag-arangkada ng 24/7 ope­ration nila dahil umabot sa mahigit 4,000 ang mga pa­saherong tumangkilik sa unang magdamag na biyahe nito.

Kabilang sa nakinabang sa humabang operasyon ng MRT ang mga empleyadong nagtatrabaho sa gabi sa Quezon City, Mandaluyong at Makati City na kinaroroonan din ng maraming call center.

Samantala, hindi pa puwede ang maghapon at magdamag na operasyon ng Light Rail Transit.

Ayon kay LRTA adminis­trator Mel Robles, masyadong mababa ang bilang ng mga pasahero ng LRT sa hating­gabi kumpara sa mga tuma­tangkilik sa MRT bagama’t sa kabila nito ay pag-aaralan din umano ng kaniyang tangga­pan ang naturang posibilidad. (Rose Tamayo-Tesoro, Danilo Garcia at Angie dela Cruz)


DANILO GARCIA

GENERAL MANAGER REYNALDO BERROYA

LIGHT RAIL TRANSIT

MAKATI CITY

MEL ROBLES

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with