^

Metro

Oil depot balik na sa Korte Suprema

-

MANILA, Philippines – Muling dumulog kahapon sa Korte Suprema ang Social Justice Society upang pigilin si Manila Mayor Alfredo Lim sa pagpapatupad ng ordinansang nagpapahintulot sa pananatili ng oil depot ng mga kumpanya ng langis sa Pandacan, Manila.       

Pinuna ng SJS na, nang unang magpalabas noon ng desisyon ang Supreme Court na nagpapaalis sa mga oil depot, saka naman tinalakay at pinagtibay ng Manila City Council ang Ordinance No. 8187 para mapanatili nang legal sa lunsod ang imbakan ng langis.

Sinabi pa ng SJS na nilabag ng ordinansa ang karapatan ng taumbayan na manirahan sa isang ligtas at balanseng kapaligiran na walang banta maging sa kanilang kalusugan.

Nagbabala din ang SJS sa panganib na maaaring idulot ng pananatili ng oil depot lalo na sa terorismo dahil sa malapit ito sa Malakanyang na posibleng madamay umano kapag pinasabog ang imbakan. (Gemma Amargo-Garcia)

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

MALAKANYANG

MANILA CITY COUNCIL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

NAGBABALA

ORDINANCE NO

SOCIAL JUSTICE SOCIETY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with