^

Metro

Kasalan palabas na lang

-

MANILA, Philippines – Nababahala si Manila Archbishop Gaudencio Car­dinal Rosales dahil sa tila unti-unti na umanong pagkawala ng sakramento ng kasal sa Pilipinas ayon kay Rosales, tila nagi­ging pelikula o palabas na lamang ang sakramento ng kasal at ang nagsisilbing di­rektor nito ay ang mga kinu­kuhang wedding planners o wedding coordinators ng mga nagpaplanong magpa­kasal.

Ayon kay Rosales, nagmi­mistula na lamang na isang “produksyon” o “palabas” ang isang kasal ngayon kung saan ang mga nais na mapag-isang-dibdib ay umaarkila ng “wedding planner” na baba­yaran ng malaking halaga para mag-asikaso ng lahat ng kakailanganin sa kasal.

Bunsod aniya nito, nawa­wala na ang “hiwaga” at “mis­teryo” ng sakramento ng kasal at nasesentro na lamang ito sa paghahanda, imbitasyon, programa, saya­wan at kan­tahan, na base sa plano ng wedding coordinator.

Bukod dito, napapagtu­unan na lang ng pansin sa kasal ang mga dekorasyon at programa rito.

Nakakabahala rin anya ang sobrang laki ng gastos ng mga ikinakasal dahil sa mga wedding planner. (Gemma Amargo-Garcia)


AYON

BUKOD

BUNSOD

GEMMA AMARGO-GARCIA

KASAL

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CAR

NABABAHALA

NAKAKABAHALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with