^

Metro

OFW nagbigti dahil sa text

-

MANILA, Philippines – Isang overseas Filipino worker na kauuwi lang ng Pilipinas mula sa Dubai ang nag­pakamatay sa pamama­gitan ng pagbigti sa sarili ma­tapos makipagtalo sa kan­yang asawa dahil sa text messages sa Barangay Sta. Lucia, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Si Hapinino Santiago, 29, ay natagpuang walang buhay ng kanyang asawang si Ber­nadette habang nakabitin sa loob ng comfort room ng ka­nilang bahay sa Natividad Subdivision, Brgy. Sta. Lucia.

Nabatid na si Hapinino ay dumating sa bansa noong Mayo 29.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Greg Maramag ng Quezon City Police District, posibleng selos at hindi pagkaka­una­waan nito sa kanyang asawa ang nagtulak upang tapusin ng biktima ang kanyang buhay.

Base sa pahayag n Berna­dette sa pulisya, bago ang insidente, nagtalo silang mag-asawa kaugnay sa text mes­sages na natanggap ng ginang.

“May natatanggap daw na text message iyong babae galing sa asawa niya pero ang hinala ng babae ay hindi para sa kanya iyong mensahe kundi para sa ibang tao at po­sibleng na-wrong send lang daw iyong biktima,” sabi ni Maramag.

Dala ng hinala, nagpas­yang umalis ang ginang noong umaga ng linggo sa kanilang bahay at iniwan ang asawa na mag-isa. Ngunit pagsapit ng gabi ay bumalik din ang ginang na hindi na naayos ang pagkakauna­waan nilang dalawa na siyang hinihinalang ugat upang gawin ng biktima ang na­sabing aksyon. (Ricky Tulipat)


BARANGAY STA

BERNA

BRGY

GREG MARAMAG

HAPININO SANTIAGO

NATIVIDAD SUBDIVISION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with