MANILA, Philippines – Nadagdagan mula kahapon ng P1.50 bawat kilogram ang presyo ng liquefied petroleum gas kaya ang 11 kilogram na LPG cylinder ay madadagdagan din ng P16.50.
Sinabi ni LPG Marketers Association President Michael Ty na kinailangan nilang itaas ang presyo ng kanilang paninda dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Sinabi pa ni Ty na inaasahan ding tataas pa muli ang presyo ng LPG sa susunod na linggo bagaman mas mababa sa P1 bawat kilogram.
Dahil rito, ang isang 11 kilogram na LPG tank ay magkakahalaga na ngayon ng P445 mula sa dating P430. (Angie dela Cruz)