Magkaibigan kinalaboso

MANILA, Philippines - Bagsak sa kulungan ang isang magkaibigan makaraang walang patid na umorder ang mga ito at hindi man lang nagbayad ng kanilang bill habang kapiling ang tatlong babae sa loob ng isang karaoke bar, kamakalawa ng gabi sa Malibay, Pasay City.

Kasong estafa ang isinampa laban sa mga suspek na sina Albert Manabat, 34, vendor, residente ng 069 Saint Francis St., Maricaban at Arnold Sarto, 39, Pedicab driver, residente ng 844 B. Mayor St., pawang ng Pasay City.

Batay sa ulat ng pulisya, umorder nang umorder ng inumin at pagkain at kumuha ng babae ang mga suspek sa Zitro Videoke Bar & Restaurant sa Malibay. Nang singilin na sa bill nilang P7,000 ay nabuko na wala palang pera ang dalawa. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments