Bangkay lumutang sa estero
MANILA, Philippines - Isa nang malamig na bangkay nang lumutang ang isang tindero sa isang estero makaraang madulas at mabagok ang ulo sa semento kahapon ng umaga sa Marikina City.
Nakilala ang biktima na si Roberto Villanueva, 46, at naninirahan sa Mustasa street, Brgy. Tumana, ng lungsod na ito.
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives, nagtamo ang biktima ng isang malaking sugat sa ulo na posible umanong tanda ng pagkakabagok nito sa semento.
May teorya ang mga otoridad na posibleng nadulas sa ibang bahagi ng naturang estero ang biktima, tumama ang ulo sa semento sanhi ng pakawalang-malay nito hanggang sa tuluyang malunod sa tumaas na tubig ng naturang estero dulot ng malakas na pag-ulan kahapon. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending