^

Metro

Greek ninakawan sa one-night stand

-

MANILA, Philippines - Laking panlulumo ng isang Greek national makaraang pagnakawan ito ng kanyang inupahang babae kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nagtungo sa Pasay City Police Station-Investigation and Detective Management Section ang biktimang si Sajad Ghodsi, 30, estudyante, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 194, Asia Wealth Condominium, Leveriza St. sa lungsod.

Batay sa pahayag ng biktima, dakong alas-10 kamakalawa ng gabi ay naglalakad siya sa bahagi ng Remedios St., Malate, Manila nang makasalubong niya ang isang babae na nagpakilala sa pangalang Nicol Cruz, tinatayang nasa edad na 23-25.

Dito ay bigla umanong dumating ang kasama ni Nicole na kinilala sa alyas Karen at niyaya ang biktima sa kanyang tinutuluyang condominium.

Dahil interesado ang biktima sa dalawang babae, pinaunlakan niya ang mga ito.

Sa condominum, naging palagay ang loob niya sa dala­wang babae kung saan inalok umano ni Karen ang una na makipag-sex sa kaniya pero walang gagamiting video camera.

Pumayag naman umano ang biktima at pinaalis nito si Nicole upang paunlakan ang hiling ni Karen.

Ang pag-uulayaw ng biktima at ni Karen ay umabot hanggang alas-12:45 ng hatinggabi kung saan binayaran ng una ang babae ng halagang P2,100 kapalit ang panandaliang kaligayahan.

Nang makaalis si Karen, natuklasan ng biktima na nawawala na ang kanyang mahahalagang kagamitan, salapi at cellphone na umaabot sa halos P.3 milyon. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ASIA WEALTH CONDOMINIUM

BATAY

BIKTIMA

LEVERIZA ST.

NICOL CRUZ

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE STATION-INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

REMEDIOS ST.

ROSE TAMAYO-TESORO

SAJAD GHODSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with