^

Metro

Humitit ng 'damo', tinodas

-

MANILA, Philippines - Isang binata ang na­matay habang sugatan naman ang isa pa niyang kasama nang barilin sila ng mga guwar­diyang naka­alitan nila sa Barangay Pag-ibig sa Nayon, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Anthony Salamat, 21, ha­bang sugatan si Mark An­gelo Medina, 18, binata; kapwa resi­dente ng nasabi ring barangay.

Pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na sina Milton Lladue at Rey Mata, kapwa guwardiya ng Night Owl Watchman & Security Agency; at isang lalake na isinalarawan sa mukhang intsik at empleyado sa kum­panyang tinatanuran ng mga guwardiya.

Ayon sa ulat ni SPO1 Mario Turiano, imbestigador ng Criminal Investigation Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang pama­maril sa harap ng Goodwill Metal Enterprises sa 593 7th Avenue sa nasabing ba­rangay.

Nauna rito, nagpunta sa harap ng gate ng Goodwill sina Salamat, kapatid nitong si Richard, Medina at isang Michael Larangan para humithit ng marijuana.

Lumabas mula sa gate si Lladue at, sa halip na pigilan ang mga biktima sa paghithit, nakisalo pa ito.

Lumabas din si Mata at kinompronta ang grupo at sinuntok sa sikmura si Sa­lamat. Nakialam si Medina dahilan upang mauwi ito sa pagtatalo.

Nasa kainitan ng pagtatalo ang mga ito nang magbunot ng patalim si Mata at inun­dayan ng saksak si Medina na tinamaan naman sa kaliwang kamay.

Dahil dito, nagpasya ang mga biktima na umalis sa lugar at humingi ng tulong sa isang Ruben San Agustin saka muling bumalik sa lugar at sinimulang katukin ng bato ang gate ng nasabing kum­panya hanggang isang putok ng baril ang uma­lingawngaw mula sa guardhouse at tina­maan sa kali­wang dibdib si Salamat. (Ricky Tulipat)

ANTHONY SALAMAT

BARANGAY PAG

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

GOODWILL METAL ENTERPRISES

LUMABAS

MARIO TURIANO

MARK AN

MATA

MICHAEL LARANGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with