MANILA, Philippines – Kinatigan kamakailan ng Court of Appeals ang desis yon ng Makati City Regional Trial Court na patawan ng parusang 14 na taong pagkabilanggo ang isang mister na napatunayang pumaslang sa hinihinala niyang kalaguyo ng kanyang misis sa Makati City.
Inatasan din ng hukuman ang akusadong si Sherwin dela Cruz na magbayad ng kaukulang danyos-pinsala sa 26-anyos na biktimang si Jeffrey Gonzales.
Lumilitaw sa rekord ng korte na, noong Enero 1, 2005, sinusundo ni dela Cruz ang misis niya sa pinagtatrabahuhan nitong call center sa Ayala Avenue, Makati City nang makita niya si Gonzales na hininala niyang may relasyon sa kanyang asawa.
Nagkaroon ng pagtatalo at agawan ng baril ang dalawang lalaki hanggang sa mabaril at mapatay ng akusado ang biktima.
Lalong nadiin sa kaso ang akusado dahil sa pagtakas niya pagkatapos ng krimen. (Ludy Bermudo)