^

Metro

14 taon hatol sa selosong mister

-

MANILA, Philippines – Kinatigan kamakailan ng Court of Appeals ang desis­ yon ng Makati City Regional Trial Court na patawan ng parusang 14 na taong pag­kabilanggo ang isang mister na napa­tu­nayang pu­mas­lang sa hinihinala niyang kalaguyo ng kan­yang misis sa Makati City.

Inatasan din ng huku­man ang akusadong si Sherwin dela Cruz na mag­bayad ng kaukulang dan­yos-pinsala sa 26-anyos na biktimang si Jeffrey Gonzales.

Lumilitaw sa rekord ng korte na, noong Enero 1, 2005, sinusundo ni dela Cruz ang misis niya sa pinagtatrabahuhan nitong call center sa Ayala Ave­nue, Makati City nang ma­kita niya si Gonzales na hininala niyang may re­lasyon sa kanyang asawa.

Nagkaroon ng pagtatalo at agawan ng baril ang dalawang lalaki hanggang sa mabaril at mapatay ng akusado ang biktima.

Lalong nadiin sa kaso ang akusado dahil sa pag­takas niya pagkatapos ng krimen. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

AYALA AVE

COURT OF APPEALS

CRUZ

ENERO

GONZALES

JEFFREY GONZALES

LUDY BERMUDO

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with