^

Metro

Pekeng inhinyero tiklo sa extortion

-

MANILA, Philippines – Isang pekeng inhinyero na inireklamo ng isang negosyante ang nadakip ng mga awtoridad sa isang entrapment operation sa Maynila kamakalawa.

Nakapiit ngayon sa Manila City Hall-District Special Project Unit ang suspek na si Ferdinand Fernandez, alyas Engr. Danilo dela Torre, 47, ng 43 Queensland St., Jordan Village, Bagong Silang, Ca­loocan City.

Ayon kay Sr. Supt. Alex Gutierrez ng city hall, ang entrapment operation ay bunsod ng reklamo ni Henry Ong ng Beauty Line Salon sa panulukan ng El Cano at Santo Cristo Streets sa Binondo, Maynila. Hinihingan ng suspek ng P2,000 ang biktima para sa pagbabayad ng signage fee.

Kasabay nito, itinanggi naman ni Building Official Chief Engr. Melvin Balagot na konektado si Fernandez sa kanilang tang­gapan sa Manila City Hall.

Nakuha sa suspek ang marked money, fake inspection slips, handwritten receipts at pekeng City Hall identification card. (Doris Franche)

ALEX GUTIERREZ

BAGONG SILANG

BEAUTY LINE SALON

BUILDING OFFICIAL CHIEF ENGR

CITY HALL

CITY HALL-DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

DORIS FRANCHE

EL CANO

FERDINAND FERNANDEZ

HENRY ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with