Sumandal sa kamatayan

MANILA, Philippines – Isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay at bumubula ang bibig kamakalawa sa Intramuros, Maynila.

Bumubula pa ang bibig habang nakasandal sa isang dingding ang biktimang si Praise Lovely Paned ng 546 Rafael St., Intramuros.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Edmundo Cabal ng Manila Police District-Homicide Section na dakong alas-4 ng hapon nang madiskubre na wala nang buhay ang biktima sa pagkakasandal nito sa dingding sa may Sta. Lucia Street ng nasabing lugar. Huli umanong nakitang buhay ang biktima ng isang guwardiya na si Mariano Coletabra dakong alas-3:45 ng madaling-araw na nakaupo sa naturang lugar.

Habang nagpapatrulya si Mariano, nagawa niyang sitahin ang biktima ngunit hindi ito umalis sa nasabing lugar hanggang sa makatulog na ang una at makalipas ang ilang minuto ay binalikan nito ang huli. Dito nadis­kubre ni Mariano na patay na ang biktima. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments