Mister tinodas sa sasakyan

MANILA, Philippines - Tama ng bala sa mukha ang tumapos sa buhay ng isang 35-anyos na mister na natagpuang nakalugmok at    nakaha­wak pa sa manibela ng kanyang sasakyan, ka­hapon ng umaga sa Ca­loocan City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Michael Gutierrez, nakatira sa Phase 9, Bagong Silang ng lungsod na ito.

Samantala, blanko pa ang pulisya sa kung sino at ano ang posibleng mo­tibo sa pagpaslang dito.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, dakong alas-4:45 ng umaga nang makita ang biktima na nakaupo sa harap ng manibela ng kanyang owner-type jeep (WHE-262) ng mga ba­rangay tanod sa Phase 10B, Bagong Silang.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa na­sabing insidente. (Lor­deth Bonilla)

Show comments