Sekyu lasog sa 10-wheeler truck
MANILA, Philippines - Hindi na nakarating sa papasukang trabaho ang isang 37-anyos na security guard nang masawi bunga ng pagkabasag ng bungo ma tapos mahagip at makaladkad ng 10-wheeler truck sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Joseph Cordero, security guard sa Perpetual Help College-Manila, at residente ng Baltazar St., Sto. Tomas, Pasig City.
Siya ay nagmamaneho ng kanyang bisikleta nang maganap ang insidente.
Sumurender naman kaagad sa mga awtoridad ang suspek at driver ng truck na si Rolando Dionisio, 35, ng Sto. Cristo, San Isidro, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat, dakong alas-5:10 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa kanto ng S. Loyola St. at Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila.
Nabatid na habang inililiko patungong kanan ni Dionisio ang Isuzu ten- wheeler truck (RFZ 588) nang aksidenteng mahagip nito ang biktima na noon ay lulan ng kanyang bisikleta.
Nakaladkad ng ilang metro ang biktima hanggang sa pumailalim sa truck na ikinabasag ng kanyang bungo.
Nabatid din na magdu-duty umano sa nasabing eskwelahan ang biktima ng maganap ang trahedya.
Inihahanda ang ka song reckless imprudence resulting in homicide ang sumukong driver na nakapiit sa Manila Traffic Bureau. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending