^

Metro

Kalsada gumuho

-

MANILA, Philippines – Gumuho ang halos kalahati ng kalsada ng Meisic St. malapit sa Manila Police District-Station 11 bunsod ng paghuhukay ng konstruksiyon ng isang 40-storey condominium, sa Binondo, Maynila. Ayon kay Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD-Station 11, dakong alas- 9:30 ng umaga nang gumuho ang kalsada  sa tapat ng ginagawang City Place condominium malapit sa harapan ng 168 Mall at MPD Station 11 sa  Meisic St., Binondo. Aniya, dakong alas-5:30 pa lamang ng umaga nang mapansin nilang nagsi­simulang gumuho ang maliit na bahagi nito kaya  agarang ipinaalis   ang mga nakaparadang sasakyan at pag-cordon sa area upang hindi na daanan pa ng mga tao patungo sa kalapit na mall. Ayon pa kay Yabut, ipapatawag nila ang pamunuan ng Mega World Company na siyang contractor ng City Palace condo­minium upang alamin kung may pananagutan ito sa pagguho ng kalsada. Ayon pa kay Yabut, imomonitor din nila ang kalapit na eskuwelahan na Cheong Se Chinese School dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase, sa posibilidad na maapektuhan ito. (Ludy Bermudo)


AYON

BINONDO

CHEONG SE CHINESE SCHOOL

CITY PALACE

CITY PLACE

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MEGA WORLD COMPANY

MEISIC ST.

NELSON YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with