^

Metro

17-anyos tinodas matapos makipaglamay

-

MANILA, Philippines – Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang sa isang 17-anyos na tricycle driver ng hindi nakilalang jeepney driver na armado ng sumpak, habang patungo sa tapsilogan matapos maglamay sa patay, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rustie Tana, 17, ng Anacleto St., Sta. Cruz, Maynila bunga ng tinamong bala sa katawan.

Naging mabilis umano ang pangyayari kaya hindi namukhaan ang suspek na mabilis pinasibad ang minamanehong pampasa­herong dyip, matapos ang pamamaril sa biktima. Inilarawan lamang ito na nasa 35-40-anyos, katamtaman ang laki ng katawan, naka-suot ng kulay asul na polo shirt at maong pants, maitim at brushed-up ang buhok. Hindi nakuha ang plaka ng sasakyan na may tatak umanong “Greyhound”. Nabatid na dakong alas-11:30 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa Rizal Ave., at Pampanga St., Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na nagkukuwentuhan ang magkakaibigan habang papatawid sa Rizal Avenue nang biglang tumigil sa kanilang tapat ang pampasaherong dyip na may sakay na 16 katao at biglang pinaputukan ng nagsilbing driver ang biktima. Patuloy pang iniimbestiagahan ang insidente. (Ludy Bermudo)


ANACLETO ST.

CRUZ

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NABATID

PAMPANGA ST.

RIZAL AVE

RIZAL AVENUE

RUSTIE TANA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with