^

Metro

Motorsiklo vs tanker: 1 patay, 1 sugatan

-

MANILA, Philippines – Isang driver ang nasawi, habang nasa kritikal namang kondis­yon ang kaangkas nito makaraang aksidenteng bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na tanker truck sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si John Carlo Veriña, 21; binata, driver ng Kawasaki na halos nabasag ang bungo sa tindi ng pagbagsak sa sementadong daan. Agaw-buhay naman sa Mandaluyong City Medical Center ang back rider nitong si Jeffrey Montes, 17.  

Naganap ang insidente, dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng Aglipay St., kanto ng Boni Avenue sa harapan mismo ng San Felipe Neri Church ng naturang lungsod. Kasalukuyang bina­bagtas ng motorsiklong sinasakyan ng mga biktima ang kahabaan ng Boni Avenue, nang makasalubong at bumangga ito sa tanker   truck na minamaneho ni Rolando Japson na galing naman sa Aglipay St. patahak naman sa kaliwang destinasyon.

Sa bilis ng takbo ng motorsiklo kung kaya’t hindi na nagawang makaiwas hanggang masapol ang kaliwang bahagi ng unahan ng tanker na nagbunsod sa pagkamatay at malubhang pagkasugat ng mga biktima na kapwa walang suot na helmet. Pa­­tuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. (Joy Cantos)


AGLIPAY ST.

BONI AVENUE

JEFFREY MONTES

JOHN CARLO VERI

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

ROLANDO JAPSON

SAN FELIPE NERI CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with